• Salve V Asis

Magsasakang reporter ng PSN at PM, nasa ONE PH na


Congrats naman sa kasamahan namin dito sa Pilipino Star NGAYON na si Mer Layson dahil mapapanood na sa TV simula sa Linggo (October 11) ang programa niyang Masaganang Buhay.


Si Mer ay nakilala bilang Magsasakang Reporter.


Ang Masaganang Buhay ay isa sa mga bagong programa sa One PH Cignal TV Channel 1 ng TV5, tuwing Linggo ng alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga.


Si Mer o Magsasakang Reporter na isa ring reporter ng Pang Masa ay ginawaran ng To Farm bilang isa sa Most Oustanding Farmer of the Philippines 2016 on Agri-Intreprenuer at 2017 BCYF Innovation award bilang Oustanding Agri-Business bilang host ng programa.

Kilala na ring vlogger si Mer sa kanyang Youtube Channel na Ang Magsasakang Reporter na may 110,000 subscribers na.


Yes, as in sa loob lang ng six months ay nakakuha na siya ng silver play button dahil sa kapaki-pakinabang na pagtuturo nito sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman at Do it Yourself Tips.


Isang legit na farmer si Mer na ayon sa kanya ay bata pa lamang ay bihasa na siya sa mga gawaing bukid, pagsasaka at pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman. Sa edad na 16 ay lumawas siya ng Maynila, nag-self support student, nakatapos ng AB Masscom hanggang naging reporter.


Nasa puso at proud siya sa pagiging magsasaka, dahil laging iniisip na kung walang katulad niya ay maraming magugutom. Kaya naman dinala niya sa siyudad ang ang pagtatanim at pagsasaka. Ngayon ay nagtuturo siya ng ‘Urban Garde­ning in a Plastic Bottle’ at ‘Self Watering Plant’ na inabangan nga sa YT. Kaya sa mga nahihilig ngayong magtanim at certified plantitas and plantitos Aangan ang Masaganang Buhay tuwing Linggo ng umaga sa OnePh.


Congrats, Mer.

2 views0 comments

Recent Posts

See All